^

Metro

QCPD blangko sa pagkawala ng anak ni Atty. Lozano

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Blangko pa rin ang Quezon City Police sa pagkawala ng anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson Lozano sa kabila ng pagkaka­tagpo sa bangkay ng driver nito kamakailan.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, wala pa silang lead o suspect sa likod ng pagkawala ni Emerson, 44.

Hindi rin nila aniya, masasabing dinukot o kinidnap ang biktima dahil wala pa ring impormasyong nakakalap ang kanilang tanggapan kaugnay dito.

Maging ang footage na nakuha mula sa close-circuit television monitor sa Shell gas station sa Bgy. Old Balara, kung saan nakipagkita si Emerson sa umano’y kliyente nito o maging ang testigo sa lugar ay walang nakita kung may naganap na pagdukot sa lugar.

Bukod dito, giit ni Mantele, wala rin anyang nakitang komosyon sa lugar nang oras na naroon sa lugar si Lozano.

Sa ngayon, iniimbestigahan nila ang insidente bilang kaso ng pagkawala at habang patuloy naman ang paghahanap kay Emerson.

Si Emerson ay negos­yante ng buy-and-sell, na iniulat na nakipagtagpo sa buyer ng kanyang Kia Carnival van sa gas station noong Miyerkules kasama ang driver­ na si Ernane Sensil.

Matapos nito, ang da­lawa ay hindi na nakita o nakabalik sa kanilang tirahan na siyang dahilan para maalerto ang pamilya ng mga Lozano.

Sumunod na araw ay natagpuan naman ang walang buhay na katawan ni Sensil sa may Brgy. Mata­yumtayum sa Lapaz, Tarlac.

Si Sensil ay nagtamo ng tama ng bala sa noo at ang katawan nito ay sinunog pa.

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

EMERSON LOZANO

ERNANE SENSIL

KIA CARNIVAL

LOZANO

OLD BALARA

OLIVER LOZANO

QUEZON CITY POLICE

SI EMERSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with