^

Metro

Obrero hulog sa 2nd floor ng mall, dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang karpintero makaraang aksidenteng mahulog sa ikalawang palapag ng ginagawang mall sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ni PO2 Hermogenes Capili ng Criminal In­vestigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang biktimang si Noel Bulawan, 41, may-asawa ng 419 Algeciras St., Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Capili, ang biktima ay nahulog mula sa ika­lawang palapag ng City Walk 2 mall na mata­tagpuan sa Eastwood St., Brgy. Bagumbayan ganap na alas-7:30 ng umaga. Sinabi ni Enrico Daria, ka­­samahan ng biktima, kasalukuyan silang nagku­kum­puni ng kisame nang aksidenteng bumagsak ang tinutuntu­ngan nitong scaffolding at kasamang bumulusok ng biktima.

Nagawa pang maitakbo ni Daria at ilang kasamahan ang biktima sa Quezon City Memorial Medical Center ngunit idineklara rin itong patay.

ALGECIRAS ST.

CITY WALK

CRIMINAL IN

DETECTION UNIT

EASTWOOD ST.

ENRICO DARIA

HERMOGENES CAPILI

NOEL BULAWAN

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with