Ruta sa prusisyon ng Sto. Niño
MANILA, Philippines – Asahan ang lalo pang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mataong lugar ng Tondo, partikular sa mga daraanan ng tradisyunal na prusisyon ng Viva Sto. Niño, na patron sa kapistahan ng Tondo, District 2.
Ayon kay Manila Police District-Deputy Director Senior Supt. Alejandro Gutierrez, dapat nang iwasan ng mga motorist ang ilang kalye sa sakop ng kapistahan sa pagsisimula ng alas-3 ng hapon ngayon araw (Linggo) ang prusisyon.
Ang ruta o daraanan ng prusisyon na magmumula sa Sto. Niño church ay unang dadaan sa Ilaya, kakanan sa C.M. Recto-kakanan sa Sto. Cristo-kakaliwa sa Padre Rada-kakanan sa Asuncion – kaliwa naman sa Lakandula – kaliwa sa Kagitingan-kakanan sa Zaragoza – tatawid ng Road 10 – tatawid ng Pier 16 – tatawid ng Radial Road 10 – dadaan ng Smokey Mountain sa Vitas – kakaliwa sa Aglo – kanan naman sa F. Varona – kakaliwa sa Perla – pakanan sa Sta. Maria tatawid ng Moriones at pabalik na ng simbahan ng Sto. Niño.
Posibleng abutin din umano ng gabi ang prusisyon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao.
- Latest
- Trending