^

Metro

3 pulis-Caloocan sibak sa droga

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Dalawang pulis-Caloocan ang sinibak sa kanilang puwesto habang nadamay rin ang kanilang opisyal makaraang magpositibo ang mga una sa isinagawang drug test ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ipinag-utos ni NCRPO chief, Director Nicanor Bartolome ang pagtanggal sa kanilang puwesto at pagsa­ilalim sa summary dis­missal procedure sina PO2 Armado Jimenez at PO3 Her­mil Lumba, kapwa ng Caloocan-Police Community Precinct 6. Dinisarmahan na ang da­lawa at isinailalim sa res­trictive custody ng NCRPO.

Tinanggal din sa puwesto ang hepe ng dalawang pulis na si Sr. Insp. Albert Ebdane dahil sa command responsibility.

Sinampahan naman ng kasong administratibo ang dalawa pang pulis na sina PO1 Antonio Carmona ng PCP 6 at PO1 Elvin Tabora ng PCP 17 na sa kabila na nag-negatibo sa drug test ang dalawa ay nakunan naman ng video footage na gumagamit ng iligal na droga sa loob ng istasyon.

Dahil sa pagkadismaya sa sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis sa mga iligal na gawain partikular na sa iligal na droga, isasailalim ng NCRPO sa sorpresang random drug test ang 17,000 puwersa ng pulis sa Metro Manila upang mabatid kung sino sa mga ito ang gumagamit ng iligal na droga.

Kasama rin isasailalim sa drug test ang lahat ng opisyal, non-commissioned personnel at mga sibilyang empleyado.

ALBERT EBDANE

ANTONIO CARMONA

ARMADO JIMENEZ

CALOOCAN

CALOOCAN-POLICE COMMUNITY PRECINCT

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

ELVIN TABORA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with