^

Metro

Pulis na madungis, tamad, bastos paparusahan ng community service

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -   Makaraan ang sunud-sunod na batikos sa tamang asal ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), ipatutupad na ng National Police Commission (Napolcom) ang memorandum circular na maaaring isumbong ng mga sibilyan at maparusahan ng serbisyo-komunidad ang mga pulis na wala sa tamang bihis, madungis, bastos, laging late at tamad.

Inaprubahan ang memorandum circular 2010-003 nitong nakaraang Setyembre 30, 2010 ngunit ngayon pa lamang maipatutupad. Layunin nito na magtatag ng “Delinquency Reporting­ (DR) system” sa PNP na maaaring magsumbong ang mga sibilyan at maging mga kapwa pulis laban sa mga lumalabag na alagad na batas.

Kabilang sa mga “minor offenses” ang paglabag sa “Tamang Bihis” kabilang ang hindi pagsusuot ng tamang uniporme, mahabang buhok, may balbas at bigote; palagiang late sa trabaho at aktibidad; paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar; paglabag sa batas trapiko; pagdura at pag-ihi sa pampublikong lugar; pagtulog habang nakaduty, at hindi o mabagal na aksyon sa mga sumbong buhat sa publiko.

Nabatid na may mga katumbas rin itong demerits at kung umabot na sa 15 demerits ay mapapatawan na ng parusang community service.

Kasama naman sa mga nakalaang parusa ang paglilinis sa mga pampublikong lugar, pagtatanim ng puno, pagsama sa information campaign at iba pang proyekto ng PNP. Isa­sagawa ang community service tuwing “rest day” ng mapa­rurusahang pulis at nararapat nakasuot ng “athletic uniform”.

DELINQUENCY REPORTING

INAPRUBAHAN

ISA

KABILANG

KASAMA

LAYUNIN

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TAMANG BIHIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with