^

Metro

Rapist na pulis sumuko na

- Nina Gemma Garcia at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sumuko na kahapon kay Justice Secretary Leila de Lima ang pulis na umano’y na­ngotong at nanggahasa sa isang vendor na ginang sa loob mismo ng tanggapan ng Integrity Task Force Unit ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ng Kalihim na na­­­kipag-usap sa kanya ang kapatid ni PO3 Antonio Bautista Jr. at hiniling na kung maaari ay ilagay sa protective custody ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) ang kanyang utol.

Nangangamba na rin umano sa kanyang buhay si Bautista matapos na magpalabas ng pabuya ang pulisya para sa ikadarakip nito kayat nagdesisyon na itong sumuko kay de Lima. 

Paliwanag naman ng Kalihim kaagad isasalang sa inquest proceeding si Bautista dahil sa kasong extortion at rape sa isang vendor na ginang na inaresto nito.

Nilinaw naman ni de Lima na dahil sumuko ang akusado kayat wala umanong ma­ka­kakuha ng P100,000 na nakapatong sa ulo ng suspek.   

Magugunitang nauna ng inireklamo ng biktimang itinatago sa pangalang Vanessa si PO3 Bautista ng panghahalay sa kaniya noong Disyembre 31, 2010, makaraang hulihin ng naturang pulis dahil sa bagansiya. Bukod sa kasong rape ay may karagdagang kasong robbery na kinakaharap ngayon ang pulis makaraang kuhanin pa nito ang P4,000 ng biktima. 

Kasabay nito, hinahanap na rin ng mga awtoridad ang isa pang babae na sinasa­bing biktima rin ng panggagahasa noong gabing hinalay si Vanessa, dahil ang kasama naman ni Bautista na umano’y striker ng MPD ang itinuturong responsable sa naturang insidente.

Subalit ayon kay MPD spokesman Maj. Erwin Mar­garejo, wala pa silang gaanong development sa nasabing isa pang kaso ng rape at ang kasalukuyan nilang hakbang ay ang pag­kuha sa kustodiya ni Bau­tista na nasa NBI.

vuukle comment

ANTONIO BAUTISTA JR.

BAU

BAUTISTA

BUREAU OF INVESTI

ERWIN MAR

INTEGRITY TASK FORCE UNIT

JUSTICE SECRETARY LEILA

KALIHIM

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with