^

Metro

Lady bus driver, pinagtawanan ng Piston

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinagtawanan lamang ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators (Piston) ang plano ni MMDA Chairman Francis Tolentino na mga babae ang gawing bus driver upang makaiwas sa aksidente dahil ang mga ito ay disiplinado.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, walang problema kung gagawing pangkala­hatan ang panukala ni To­lentino pero mistula aniyang hindi pinag-aralan ng MMDA Chief  ang tunay na ugat ng mga aksidente sa lansangan.

Aniya, bagamat may ilang babae na tsuper ang taxi at tricycle, hindi ito ang basehan para gawing driver ng bus ang mga kababaihan lalu pa’t kung ito ay nagdadalantao.

Mahihirapan aniyang ma­sunod ang panukalang ito ng MMDA dahil wala namang nag-aaplay na babae para magmaneho ng  mga bus at jeep at maituturing nilang napakadelikado ito sa mga kababaihan kung gagawing driver ng naturang mga sasakyan.

Mas mainam aniya na tulungan ni Tolentino ang mga tsuper na hikayatin si Pangu­long Noynoy Aquino na mai-repeal ang Oil Deregulation Law dahil ito ang ugat ng kahirapan ng mga tsuper at dahil kakaunti la­mang ang kita at naghahabol ang mga ito upang may ma­ipakain sa kani-kanilang pa­milya.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

NOYNOY AQUINO

OIL DEREGULATION LAW

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with