MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude-3.6 na lindol ang Davao Oriental sa Mindanao kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay naitala ganap na alas-2:55 ng madaling-araw at tectonic ang origin nito habang ang epicenter nito ay nasa 116 kilometro northeast ng Mati, Davao Oriental.
Gayunman, hindi naman ito naramdaman dahil sa karagatan naitala ang naturang lindol.
Wala namang napaulat na naapektuhang mga ari-rian sa naganap na lindol at wala ring naitalang aftershocks.