^

Metro

Pekeng abugado timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang pekeng abogado matapos na ituro ng isang tipster sa Malate, Maynila. 

Kinilala ni Manila Police District-station 9 chief, P/Supt. Frumencio Bernal ang suspect na si Dio Oferio­  Cipriano, 69, residente ng Tramo st. Pasay City.

Nabatid na humingi ng police assistance ang complainant na si Atty. Dolorsindo I. Paner, isang notary public, kasama ang utility man nitong si Frederick Arroyo, noong Enero 6, 2011 kaugnay sa panggagamit umano ng pangalan bilang notary public ng suspect na si Cipriano­.

Mabilis namang nagtungo ang mga tauhan ni Bernal dakong 3:00 ng hapon sa lugar ni Cipriano upang isailalim sa entrapment operation ang suspect.

Bago ang pag-aresto, nagpagawa muna ng dokumento ang utility man ni Paner sa suspect na isang ‘Affidavit­ of Consent’ sa halagang P50 at sa dry seal at lagda ay nakalagay ang pangalan ni Atty. Paner.

Agad na ring kinuwestiyon at dinakip ang suspect kung saan nakumpiska sa kaniyang tanggapan ang Notarial­ Seal, stamp pad at rubber stamp na may naka­imprentang pangalan na “ATTY DOLORSINDO I. PANER­”, typewriter at iba pang affidavit forms na pina­niniwalaang gamit ng suspect sa mga kliyente.

 Sinampahan na rin ng mga kasong Falsification of Public Document at Impersonation of Public and Judicial Officer ang suspect na nakapiit sa MPD-station 9.

CIPRIANO

DIO OFERIO

DOLORSINDO I

FALSIFICATION OF PUBLIC DOCUMENT

FREDERICK ARROYO

FRUMENCIO BERNAL

IMPERSONATION OF PUBLIC AND JUDICIAL OFFICER

MANILA POLICE DISTRICT

PANER

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with