^

Metro

QC mananatiling pinakamayamang lungsod Bistek

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Naniniwala si Quezon City Mayor Herbert M. Bau­tista na mapapanatili niyang pinakamayaman ang lungsod ngayong taon.

Ito’y matapos na ma­iulat ni City Treasurer Edgar Villa­nueva na naka­kolekta ang siyu­dad ng P11,417,725,743.15 mula sa mga naging bayarin sa city government noong 2010. Kabilang na rito ang P1,723,200,007.89 kabuuang trust fund.

Mas mataas ng 3.76 porsiyento o P413,582,743.15 ang naturang koleksyon kung ihahambing sa inaasahang makokolekta ng pamahalaang lokal.

Ayon pa kay Villanueva, nakapagtala rin ang City Treasurer’s Office (CTO) ng 2.91 porsiyento o P274,525,735.26 sobra sa general fund ng siyudad na mayroong kabuuang halaga na P9,694,525,735.26 sa pagtatapos ng 2010.

Isa sa mga naging da­hilan ng paglaki ng kolek­syon ng pamahalaang lungsod ang P30-milyon na pa­unang bayad ng Metro­politan Water­works and Sewerage System (MWSS) para sa kanilang P270-milyon real property tax obligation.

Nitong Enero 4, 2011, nasa P4.006 bilyon na ang pondo na maaaring magamit para sa mga prayoridad na programa at proyekto ni Bautista.

AYON

BAU

BAUTISTA

CITY TREASURER

CITY TREASURER EDGAR VILLA

ISA

NITONG ENERO

QUEZON CITY MAYOR HERBERT M

SEWERAGE SYSTEM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with