^

Metro

Debotong lola na-hit and run, itinapon sa ilog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Pinaghahanap ngayon ang isang tsuper ng pampasaherong dyip na suspect sa pagtatapon ng bangkay ng isang 72-anyos na lola, matapos niyang mabangga habang tumatawid patungo sana sa Quiapo upang magsimba sa Black Nazarene, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO4 Omar Mabborang, ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang biktima na si Cunigunda Mejia ng #1697 LRC Compound Quiapo, Manila.

Nabatid na dakong alas-5:30 ng umaga nang mabangga umano sa harap ng Isetann Department Store sa C. M. Recto Avenue,  sa Sta. Cruz ang biktima

Ilang saksi ang nagsabi na mabilis din umanong bumaba ang driver matapos mabangga ang biktima at binuhat ito sa pag-aakalang dadalhin ito sa ospital.

Gayunman, may nakaisip na kunin ang plate number na NYW-761 na minamaneho ng suspect.

Dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa Delpan Bridge, na nakumpirmang ang biktimang nasagasaan ay itinapon lamang doon.

Sa naging pahayag ng isang “Marissa”, kaanak ng biktima, umalis umano ng kanilang bahay ang lola upang magsimba sa Quiapo dahil deboto umano ito ng Itim na Nazareno at hindi nila akalain na madidisgrasya ito at tatakasan pa ng suspect.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at nakikipag-ugnayan na rin sa Land Transportation Office (LTO) ang imbestigador para matukoy ang pagkakakilanlan ng driver at operator nito na sasampahan ng kaukulang mga kaso.

BLACK NAZARENE

COMPOUND QUIAPO

CRUZ

CUNIGUNDA MEJIA

DELPAN BRIDGE

ISETANN DEPARTMENT STORE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

OMAR MABBORANG

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with