^

Metro

Umihi sa pader, kelot tinodas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay sa pananak­sak ang isang 44-anyos na lalaki matapos magalit ang kanyang kapitbahay sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa United Doctors Medical Center (UDMC) ang biktimang si Reynaldo Lagman, ng #725 Josefina St., Sampaloc, Maynila sanhi ng saksak sa katawan habang tumakas naman ang suspect na si Gary Mariano, 19, resdiente ng #721 Tagudin st., Sampaloc.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Josefina St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nakikipag-inu­man ang biktima sa tatlo niyang kaibigan nang maisipang umihi sa pader ng bahay ng suspect.

Muling bumalik sa inuman ang biktima at hindi nagtagal ay muli itong umihi sa pader. Dala ng kalasingan tumatama ang ihi ng biktima sa metro ng tubig na nakakabit sa bahay ng suspect.

Dito ay sinita na ng suspect ang biktima na nauwi sa komprontasyon hanggang sa pag-aregluhin ng ilang ba­rangay officials sa lugar.

Sa kabila nito, sinugod pa rin ng suspect ng saksak ang biktima at saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

AYON

DALA

DITO

GARY MARIANO

JOSEFINA ST.

MAYNILA

NABATID

PATAY

REYNALDO LAGMAN

UNITED DOCTORS MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with