^

Metro

Lim, Hermano Mayor sa Pista ng Black Nazarene

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Si Manila Mayor Alfredo Lim ang Hermano Mayor ng ika-404 kapistahan ng Black Nazarene bukas.

Ito naman ang nabatid kay Chief of Staff at Media Bureau Chief Ric de Guzman, kung saan sinimulan na kahapon ng alas-2 ang selebrasyon ng kapistahan sa pamamagitan ng isinagawang prusisyon ng mga replica ng Black Nazarene sa Quiapo church.

Dakong ala-1 ng hapon ngayon ay bubuksan sa publiko ang pagpapahalik sa imahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand, susundan ng band parade dakong alas-3:30 ng hapon, Mass & Healing Service sa alas-5 ng hapon at Vigil mula alas-8 ng gabi hanggang alas-12 ng umaga.

Alas-4 naman ng umaga bukas isasagawa ang Holy hour kung saan isang banal na misa ang gaganapin dakong alas-6 ng umaga bago sisimulan ang prusisyon bandang alas-8 ng umaga mula Luneta hanggang Quiapo.

Sinabi ni de Guzman na kabilang sa ruta ng prusisyon ang Luneta, Katigbak Drive tagos sa Padre Burgos St., Taft Avenue papuntang McArthur Bridge, Palanca dadaan sa ilalim ng Quezon Bridge, Quezon Boulevard, Arlegui, Fraternal, Vergara, Duque de Alba, Castillejos, Farnecio, Arlegui, Nepomuceno, Aguila, Carcer, Hidalgo papuntang Plaza del Carmen, Bilibid Viejo papuntang Puyat, Guzman, Hidalgo, Barbosa, Globo de Oro didiretso sa ilalim ng Quezon Bridge, Palanca, Villalobos tagos sa Plaza Miranda hanggang sa Quiapo Church kung saan dadalhin ang Black Nazarene.

ALAS

ARLEGUI

BILIBID VIEJO

BLACK NAZARENE

CHIEF OF STAFF

GUZMAN

HEALING SERVICE

HERMANO MAYOR

LUNETA

QUEZON BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with