^

Metro

Taas pasahe sa taxi, epektibo na sa Enero 15

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Epektibo na sa darating na Enero 15 ng taong ito ang P40 singil sa unang 500 metro at dagdag na P3.50 sa susunod na 300 metrong takbo ng  taxi sa Metro Manila.

Ito ang napag-alaman sa Land Transportation Fran­chi­sing Regulatory Board (LTFRB) makaraang aprubahan bago magtapos ang taong 2010 ang P10.00 flagdown rate hike petition na naisampa sa ahensiya ng Philippine National Taxi Operator Association (PNTOA) at ng pamunuan ng R& E taxi bunsod na rin ng tumaas na halaga ng produktong petrolyo, maintenance fee at spare parts. Hindi kasama sa fare hike sa taxi ang mga taxi units sa Baguio City. Huling nagkaroon ng taxi fare noong 2002.

Nakasaad din sa pataka­ran ng LTFRB na kabalikat ng fare increase sa taxi units ang pagsusuot ng mga driver nito ng puting polo shirt na may collar, may meter receipt ang sasakyan, tama ang selyo ng metro ng taxi, bawal ma­ngontrata at mamili ng pasa­hero. May mahigit 5,000 unit ng taxi sa Metro Manila nga­yon.

vuukle comment

BAGUIO CITY

ENERO

EPEKTIBO

HULING

LAND TRANSPORTATION FRAN

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL TAXI OPERATOR ASSOCIATION

REGULATORY BOARD

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with