^

Metro

Maid na minaltrato ng amo, na-rescue

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nasagip ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police Dis­trict­ (MPD) at mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang 26-anyos na kasambahay na minaltrato ng mag-asawang amo sa loob ng mahigit na dalawang taon, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni C/Insp Anita Araullo, hepe ng  MPD-Women and Children’s Concern Division (WCCD), ang biktimang si Edna Rose Teprado, tubong Iloilo ay naisalba lamang dahil sa inihulog niyang sulat mula sa bintana at napulot ng balut vendor na kaniyang hiningian ng tulong na nagparating sa mga awtoridad ng kaniyang kalagayan.

Kinilala ang mga suspect na sina Mario and Cynthia Regis, residente ng Room 3481, M.H. Arellano Street, Sta Mesa. Sila ay ipatatawag sa isang imbestigasyon dahil wala pang kaukulang warrant of arrest nang isagawa ang pagsalakay.

Dakong alas-7:30 ng gabi ng Martes nang salakayin ang bahay ng mag-asawang Regis at doon nakumpirmang noong Mayo 9, 2008 pa nakararanas umano ng pag-abuso mula sa mga amo ang biktima na dinatnang may mga sugat at pasa sa katawan.

Sinabi ng biktima na dalawang buwan lamang siyang nakatanggap ng sweldo na tig-P2,500 o kada buwan at nang mga sumunod na buwan ay hindi na, bukod pa sa hindi siya nakakakain ng regular at sinasaktan umano ng mga amo at hindi pinapayagang lumabas ng bahay.

Ikinakandado umano ang gate kaya upang makakain ay nanghihingi sa mga kapitbahay sa pamamagitan ng pakiki­pag-usap sa bintana. Pinag-aaralan pa ang mga posibleng kasong isasampa sa mag-asawa habang ang biktima ay pansamantalang iko-kustodiya ng DSWD.

ARELLANO STREET

CONCERN DIVISION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDNA ROSE TEPRADO

INSP ANITA ARAULLO

MANILA POLICE DIS

MARIO AND CYNTHIA REGIS

STA MESA

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with