^

Metro

Pulis-Maynila sa rape at robbery, pinasisibak

-

MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon sa Manila Prosecutor’s Office ang kasong rape at robbery (extortion) sa pulis na ini­reklamo ng panggagahasa at pangongotong sa isang babaeng vendor na kanyang binagansiya noong Disyembre 31 ng madaling- araw sa Quiapo, Maynila.

Lumalabas din sa reklamo na ang lugar kung saan ginawa ang panggagahasa ay sa isang lamesa sa opisina na dingding lang ang pagitan sa tanggapan mismo ng Manila Police District-Women and Children’s Concern Division, tanggapan ni C/Insp. Anita Araullo, sa MPD headquarters, UN Ave., Ermita, May­nila, kung saan siya ini­reklamo ng biktimang itinago sa pangalang “Claudine”, 30.

Kinumpirma naman ni Sr. Insp. Ronald Andres, ang hepe ng MPD-Integrity Task Force, na doon dinala sa kanyang opi­sina ang mga inarestong 3 babae sa bagansiya at kasama umano ng suspect na si PO3 Antonio Bautista  ang striker na sina­sabing nakasuot ng Press.

Tuluyan nang hindi lumu­tang upang mag-duty si Bau­tista, 31, na nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division at residente ng Amus­lan, Masambong, San Francisco del Monte, QC.

Una nang naiulat ang rek­lamong ito ni Claudine nang siya umano ay dampu­tin ng suspect at isang nakasuot ng t-shirt na “Press”, kasama ang 2 pang babae. Ang isa umano ay pinalaya dahil napag-alamang isang Muslim, habang ang biktima ay tinakot na makukulong sa selda hanggang Enero 3, kung hindi makapagbibigay ng pera.

Bilang kapalit ng kala­yaan, kinuha ng suspect ang P4,000 sa wallet ng biktima, na pambili umano ng kanilang media noche­ at sapilitan siyang hina­lay sa lamesa at pilit ding ipinasubo rito ang ari ng suspect at binalaan pang huwag mag-ingay at baka magising umano ang isang colonel.

Nang dumating na ang live-in partner ng biktima ay pinayagan na itong umuwi subalit nang matuklasan ng lalaki ang ginawa sa biktima ay nagsumbong ito sa Women’s Desk.

Samantala, pinasisibak na rin ni Manila Mayor Alfredo S. Lim kay MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla si PO3 Bautista dahil sa eskandalong kinasangkutan.

Ayon kay Lim, hindi maa­aring ipagwalang-bahala ang ganitong trabaho ng mga pulis na umano’y “bantay-salakay”. (Ludy Bermudo at Doris Franche)

ANITA ARAULLO

ANTONIO BAUTISTA

CHIEF SUPT

CLAUDINE

CONCERN DIVISION

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

DORIS FRANCHE

INTEGRITY TASK FORCE

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with