^

Metro

Isa sa dinukot sa Pasay, patay na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang isa sa dala­wang dinukot na lalaki sa Pasay City ng mga hinihinalang pulis ang natagpuan na isa nang bangkay sa lalawigan ng Bataan noon pang Disyembre 21.

Sinabi ni Southern Police District Director Jose delos Santos na pinadala na niya ang kanyang mga tauhan sa bayan­ ng Abucay, Bataan upang marekober ang bangkay ng sinasabing biktimang si Fer­dinand Sales, alyas Fede.

Matatandaan na sinasabing tinangay ng mga armadong lalaki si Sales at Andy Bryan Ngie, 29, noong Disyembre 20 kung saan nakatakas naman ang kasamahang Indian national na si James Khumar. 

Posibleng si Sales umano ang bangkay na nadiskubre ng mga awtoridad dahil sa litrato ng bangkay nito kung saan buo pa ang mukha, tattoo sa kanang balikat at damit na suot nang mawala ito. Isinama ng pulisya si Khumar sa Bataan upang positibong kilalanin nito ang bangkay.

Matatandaan na patungo sa Pasay police headquarters sa FB Harrison street ang tatlo nang harangin ng mga armadong suspek ang sinasakyan nilang van.  Nagawang maka­takas ni Khumar at makahingi ng saklolo sa kaibigang pulis na si Sr. Insp. Renato Apolinario na nasugatan kasama ng Indian national matapos na makipagbarilan sa mga suspek habang tuluyang dinukot naman sina Sales at Ngie.

Kinilala na ni Khumar si Chief Inspector Edwin Faycho at tauhan na si PO3 Edmond Peculdar, ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group na kabilang umano sa mga pulis na humarang at nandukot sa kanyang mga kasamahan.    Itinanggi naman ito ni Faycho sa kabila ng pag-amin na may operasyon sila sa Pasay City ng naturang araw at may ko­ordinasyon pa sa Pasay police.

ANDY BRYAN NGIE

CHIEF INSPECTOR EDWIN FAYCHO

DISYEMBRE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

EDMOND PECULDAR

JAMES KHUMAR

KHUMAR

MATATANDAAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with