Away sa daan, kelot inutas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 48-anyos na lalaki ng kanyang kapitbahay dahil sa alitan sa daan na balak ipa­sara ng suspect, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Nodado General Hospital ang biktimang si Martin Buendia, ng Phase 4, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspect na si Reynaldo Devora, naninirahan rin sa naturang lugar.

Sa ulat ng Caloocan police, naganap ang krimen dakong alas-5 ng hapon malapit sa bahay ng biktima. 

Nabatid na kausap ni Buendia ang isa pang kapitbahay nang sumulpot si Devora at biglang pagbabarilin ang biktima.

Mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril na ginamit habang pinagtulungan ng mga kapitbahay na isugod ang biktima sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, na­batid na nag-ugat ang away ng dalawa nang tangkain ni Devora na ipasara ang makitid na eskinita sa tapat ng kanyang bahay na patungo rin sa bahay ni Buendia. 

Show comments