^

Metro

7 'Salisi' sa Ermita, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakapiit sa Manila Police District-Theft and Robbery Section ang pito katao, kabilang ang tatlong babae na pinaniniwalaang miyembro ng Salisi gang na bumibiktima ng mga foreigner sa Ermita at Malate areas.

Sa ulat ni MPD-TRS chief C/Insp. Edgardo Carpio, nag­sa­gawa sila nang pagmamanman sa bahagi ng Ermita, Maynila kaugnay sa dagsang reklamo ng mga dayuhang turista hinggil sa ‘Salisi’  na nag­lipana sa lugar maging sa loob ng coffee shops at mall.

Kabilang sa mga inaresto sina Alexander Mongsan, 32; Al Miranda, 35; Ruel Mag­dasal.27; Mark Rhino, 26; Angeline Najial, 30; Helen Macaraias,42; Rebecca Casas, 33, na pawang taga-San Nicolas, Cavite.  

Namataan ng mga awtoridad ang grupo dakong alas-2 ng hapon, kamakalawa sa harap ng Palm Palace Hotel habang nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

Nagtangka pang mag­sitakas ang mga ito subalit nakorner din ng pulisya. 

Ilan umano sa kanila ay nasangkot na sa salisi, snatching kaya’t pansamantalang sinampahan sila ng kasong Vagrancy o Article 202 ng Revised Penal Code, habang bineberipika pa ang police records, ayon sa team leader na si SPO4 Val Toledo.

vuukle comment

AL MIRANDA

ALEXANDER MONGSAN

ANGELINE NAJIAL

EDGARDO CARPIO

ERMITA

HELEN MACARAIAS

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MARK RHINO

PALM PALACE HOTEL

REBECCA CASAS

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with