^

Metro

Dalaga patay sa ligaw na bala

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dalaga ang nasawi matapos na tamaan ng ligaw na bala sa noo habang siya ay nasa itaas ng kanilang ter­race at tinitingnan ang nagaganap na riot ng grupo ng mga kabataan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Guillerma Te­rante, 26, ng Ninada St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Sa ulat ni PO2 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente ganap na alas-2:30 ng madaling araw sa bahay mismo ng biktima.

Ayon kay Theresita Pedelino, tiyahin ng nasawi, nasa 2nd floor ng kanilang terrace ang biktima at nanood sa grupo ng mga kabataang nagra-riot sa harap ng kanilang bahay nang makarinig siya ng putok ng baril. Pagputok ng baril ay nakita na lang ni Theresita ang pamangkin na bu­magsak sa sahig at duguan, dahilan para agad na hu­mingi siya ng saklolo sa mga kapitbahay at itakbo ito sa Fairview Gen. Hospital ngunit idineklara din itong patay.

Sa ngayon, blangko pa rin ang awtoridad kung sino ang dapat papanagutin sa naturang insidente na pina­lalagay nilang nagmula ito sa mga kabataang nag­ra­rambulan.

vuukle comment

AYON

BRGY

FAIRVIEW GEN

GUILLERMA TE

HERMOGENES CAPILI

ISANG

KINILALA

NINADA ST.

SHY

THERESITA PEDELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with