^

Metro

PNP, BFP at BJMP personnel na magpapaputok sa New Year sisibakin

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Fire your guns, and get fired!

Ito ang mahigpit na babala kahapon ni Interior and Local Government Secretary at National Police Commission (Napolcom) Chairman Jesse M. Robredo sa mga pulis, bum­bero at jail personnel na magpapaputok ng kanilang mga service firearm sa pag­diriwang ng Bagong Taon.

Ibinaba ng kalihim ang kautusan, kahit na nagsimula nang magpatupad ang mga kapulisan sa National Capital Region (NCR) at iba pang re­hiyon sa bansa ng kautusan para mahinto ang indiscri­minate firing sa pagsapit ng Bagong Taon tulad ng paglalagay ng busal sa kanilang mga baril.

Pinaalalahanan ni Robredo ang lahat ng kapulisan, bumbero, at jail personnel na ang pagpapaputok ng kanilang baril ay may kaparusahan sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code.

Inatasan ni Robredo sina Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Raul M. Bacalzo, Bureau of Fire Protection (BFP) Director Rolando Bandilla at Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) Director Rose­ndo Dial na paalalahanan ang kanilang mga officers na huwag gamitin ang kanilang mga baril sa pagsapit ng Bagong Taon.

Sa halip, ayon sa kalihim, mas bigyang pansin ng mga ito at maging alerto sa mga sibilyang magpapaputok ng baril sa nasabing pagdiriwang at arestuhin ang mga ito ka­sabay ng pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Binigyang halimbawa ng kalihim ang dami ng insidente ng pagkamatay at pagkasugat ng mga inosenteng sibilyan na nadale ng stray bullet dulot ng walang habas na pagpapaputok ng baril ng mga walang magawang indibiduwal, kabilang ang mga sundalo, pulis at uniformed personnel.

Inatasan din ni Robredo ang BFP na magdeklara ng heightened red alert status sa lahat­ ng fire stations, lalo na sa Metro Manila para mapabilis ang pag­responde sa maaring maganap na sunog.

Nanawagan din ang kalihin sa mamamayan na ireport sa kanilang tanggapan o itawag sa kanilang police hotline 2920 o DILG Hotline 09192467995, ang sinumang taong nakita nilang nagpaputok ng kanilang mga baril.

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHAIRMAN JESSE M

DIRECTOR ROLANDO BANDILLA

DIRECTOR ROSE

KANILANG

ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with