Mason utas sa kabaro

MANILA, Philippines - Hindi na nakabalik sa trabaho ang isang binatang mason­ matapos ang mahabang bakasyon nang abangan at pagsasaksakin ng kanyang ka-trabaho na ikinasawi nito, habang nasa entrance gate ng pinapasukang construction site, sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial  Medical Cen­ter (JRMMC) ang biktimang si Joel Ador, 24, empleyado ng DM Consunji at residente ng Taguig City dulot ng dalawang saksak sa katawan.

Batay sa ulat, ang kasamahang mason ng biktima na si Roldan Micosa ang respon­sable sa pananaksak at tinu­tugis na ng pulisya.

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa ha­rapan ng entrance gate ng 168 Mall sa Felipe St., Binondo, Manila. Papasok umano sa trabaho ang biktima nang lapitan at akbayan ng suspect at mabilis ding inundayan ng saksak.

Nang bumulagta ang biktima ay dali-daling tumakas ang suspect habang ang mga bystander ang nagsugod sa pagamutan sa biktima. Inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

Show comments