^

Metro

75 isnaberong taxi driver, timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 75 mga isnaberong taxi driver na tumatangging magsakay at namimili ng pasahero ang inaresto ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pagpatuloy ng “Oplan Laban sa Isnabero”.

Sinabi ni DOTC Undersecretary Dante Velasco na ang mga naturang taxi driver ang nahuli ng mga ipinakalat nilang “patrol team” sa iba’t ibang shopping malls, airports, pantalan, bus terminals at iba pang matataong lugar.

Pinatawan na umano ng kaparusahan ang naturang mga driver na nahuli sa aktong umaabuso sa mga pasahero at isinasailalim rin sa pagdinig sa posibilidad na mapawalang-bisa ang prangkisa nito.

Bukod sa mga nadakip, na­kapagtala rin ang DOTC ng 19,180 text messages at 463 tawag sa kanilang hotline number ukol sa iba’t ibang sum­bong ng mga pasahero.May 700 sa mga sumbong na ito ang kasalukuyang bini­berepika na at nakatakdang isailalim sa pagdinig.

Ngunit sinabi ni Velasco na sa kabila ng tagumpay ng kampanya, hindi pa rin tuluyang nabubura ang problema sa mga abusadong mga taxi drivers­ na hindi pa rin natatakot sa parusa ng batas. 

Dahil dito, plano ng DOTC na gawing buong taon na ang “Oplan Laban sa Isnabero” kung saan patuloy na magi­ging bukas ang kanilang hotline numbers na: 0917-2470-385 (Globe) at 0919-2227-462 (Smart). 

Patuloy rin namang iikot ang ikinalat nilang 30 patrol units laban sa mga taxi driver.

vuukle comment

BUKOD

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ISNABERO

NGUNIT

OPLAN LABAN

PATULOY

PINATAWAN

UNDERSECRETARY DANTE VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with