^

Metro

Karnaper umatake uli sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natitinag ang grupo ng mga carnapper sa lungsod Quezon, matapos na isang account officer ng bangko ang natangayan ng sasakyan dito, iniulat kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Quezon City Police ang biktima ay kinilalang si Alexander Mercuria, 31, binata, account officer ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at residente sa Insurance St., GSIS Village, Brgy. Sangandaan sa lungsod.

Natangay sa biktima ang isang Mitsubishi Adventure (ZLY-741) na nakaparada sa harap ng kanyang bahay. 

Ayon sa ulat sa pagitan ng alas-4 ng madaling-araw at alas-6:30 ng umaga nang tangayin ng mga karnaper ang sasakyan habang nakaparada sa harap ng bahay ng biktima.

Nito lamang nakalipas na Martes, isang kawani ng LRT ang natangayan ng Toyota Crown model 2000 sa may Greenville Subdivision, Brgy. Sauyo, Novaliches sa lungsod at noon ding nakalipas na linggo natangayan din ng mamahaling sasakyan ang isang producer ng ABS-CBN sa may Scout area sa nabanggit ding lungsod.

vuukle comment

AYON

BRGY

GREENVILLE SUBDIVISION

INSURANCE ST.

MERCURIA

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY

RIZAL COMMERCIAL BANKING

TOYOTA CROWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with