“Bawal magbakasyon, bawal uminom, bawal maglakwatsa ang mga bumbero ngayon,” ayon kay BFP National Capital Region director Chief Supt. Pablito Cordeta, alinsunod sa patakarang ipinatutupad umano nila simula ngayong Pasko hanggang Bagong Taon.
Sinabi ni Cordeta, mas paiigtingin nila ngayon ang pagbabantay sa buong kapulungan lalo na sa pagresponde sa mga tawag ng sunog, upang mabilis na matugunan ang nasabing insidente.
“Kailangang pagnakatanggap ng tawag ang telephone operator, 30 seconds nasa kalsada na ang tropa at 5 minutes nasa area na sila ng sunog,” sabi ni Cordeta.
Bukod dito, maglalagay din anya sila ng mga tropa sa ilang lugar sa bawat nasasakupang Fire Station para lalong mapaigting ang gagawin nilang aksyon.