^

Metro

BFP nakaalerto ngayong Pasko at Bagong Taon

- Ricky ­Tulipat -
MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming bilang ng nagaganap na sunog, nasa high alert ngayon ang buong kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabilis na matugunan ang nagaganap na sunog.

“Bawal magbakasyon, bawal uminom, bawal maglakwatsa ang mga bumbero ngayon,”  ayon kay BFP National Capital Region director Chief Supt. Pablito Cordeta, alinsunod sa patakarang ipinatutupad umano nila simula ngayong Pasko hanggang Bagong Taon.

Sinabi ni Cordeta, mas paiigtingin nila ngayon ang pagbabantay sa buong kapulungan lalo na sa pagres­ponde sa mga tawag ng sunog, upang mabilis na matugunan ang nasabing insidente.

“Kailangang pagnakatanggap ng tawag ang tele­phone operator, 30 seconds nasa kalsada na ang tropa  at 5 minutes nasa area na sila ng sunog,” sabi ni Cordeta.

Bukod dito, maglalagay din anya sila ng mga tropa sa ilang lugar sa bawat nasasakupang Fire Station para lalong mapaigting ang gagawin nilang aksyon.

vuukle comment

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

CORDETA

FAMILY

FIRE STATION

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with