Foreman nagbigti sa crane

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan nang pagpapakamatay ng isang foreman na natagpuang nakabigti   sa crane sa Navotas City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Our Lady of Grace Hospital si Lope Andrade, 42 stay-in sa QUADCO Spine Inc. sa Navotas Fish Port ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng Na­votas City Police, nabatid, da­kong alas-10:15 ng umaga, nagulat ang mga kasamahan ng biktima nang makita itong na­kabigti ng nylon cord sa isang crane sa nasabing lugar.

Agad na kinalag ang pagkakabigti ng biktima at dinala sa nasabing ospital subalit hindi na ito umabot pang buhay­.

Inalaam na ng mga pulis kug bakit nagbigti ang biktima at inaalam na rin kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Show comments