MANILA, Philippines - Makakatikim ngayong Pasko ng ham ang mga mahihirap na pamilya sa Navotas City matapos mamahagi si Mayor John Rey Tiangco bilang regalo sa indigent families.
Kasabay nito, inatasan ni Tiangco ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pangunahan ang pamimigay ng ham sa mga mahihirap na pamilyang naninirahan sa nasabing lungsod.
Ang pamimigay na ito ng ham sa Navotas City ay sinimulan ng nakatatandang kapatid ni Tiangco na si Toby na ngayon ay kinatawan na sa Kongreso ng naturang lungsod.
Inaasahang aabot sa walong libong mahihirap na pamilya ang mabibigyan ng Pamaskong hamon.
“We really wanted the Navoteños to feel the spirit of Christmas. After all the challenges that beset our country, still there are many good reasons to thank the Lord and to hope for a wonderful New Year,” sabi pa ni Tiangco.