Bebot nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpasyang magpatiwa­kal ang isang  babae na crew ng isang burger stand dahil sa hindi nito makayang problema kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Nakilala ang nasawi na si Corylyn Marcos­, 27, ng Brgy. Isla ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, hin­di nagpakita ang biktima sa pinapasukan nitong trabaho dahilan upang mag-alala ang kanyang mga kasamahan at papuntahan ito sa kanyang bahay. Isang pedicab driver ang inutusan ng mga kasamahan ng nasawi para sunduin ito sa bahay, subalit hindi sumasagot ang huli kung kaya napilitan ang driver na iulat ito sa barangay. Nang pasukin ang bahay ay doon tumambad ang katawan nito na nakabigti gamit ang isang tuwalya. 

Show comments