Kelot todas sa kalabang gang

MANILA, Philippines – Patay  ang isang binata habang sugatan ang kaibigan nito matapos pagtulungang saksakin ng   hindi pa nakikilalang kalalakihan ng kalabang grupo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa  Jose Rodriguez hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Jessie Cabuguang, 23,  ng Barrio Sta. Rita, Tala ng  lungsod nito.

Habang inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center ang kaibigan at kalugar na  si Ferdauzi Ombawa, 20. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa Quiricada St., Tala ng nabanggit na siyudad habang nakikipagkwentuhan ang mga biktima sa kanilang mga kaibigan  nang sumulpot ang mga suspek na armado ng mga patalim.

Agad na pinagtulungan ang mga biktima na saksakin bago nagsitakas ang mga suspek. 

Show comments