Lim, pinarangalan ng Hospicio

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng kanyang paglilingkod sa publiko, iginawad ng Hos­picio de San Jose (HSJ) kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ang parangal na `Outstanding Professional Achievement Award in the Field of Public Service’, sa ika-200th foundation anni­versary ng HSJ kasabay ng paglulunsad ng 2nd Bi­centennial Book.

Ayon kay HSJ Admi­nistrator Sr. Ma. Soccoro Evidente, isinaalang-alang ni Lim ang kapakanan ng mga Manilenyo kung saan nagtayo ito ng mga ospital at paaralan gayundin ang paglalagay ng mga ilaw sa kalsada upang maisawan ang iba’t ibang krimen.

Sinabi naman ni Lim na hinding-hindi niya ma­lilimutan ang kanyang ka­­ra­nasan sa HSJ kung saan hinubog siya ng magandang asal at talino. Nagpasalamat din ito sa mga madre na nag-alaga sa kanya.

Maliban kay Lim, pinasalamatan din ni Sr. Evidente si US Ambassador Harry Thomas sa walang sawang suporta nito sa HSJ.

Show comments