Dalagitang akyat-bahay, timbog

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na da­lagita na pinaniniwalaang miyembro ng Akyat-Bahay gang ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), kamaka­lawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Chief Insp. Ramon dela Cruz ng MPD-District Mobile Police Unit (DMPU), ang suspect na itinago sa pangalang “Ina”, 16, residente ng no. 735 Lechuras st. Tondo, Maynila ay inireklamo ng isang Genesis Soliven, 22, residente ng no. 791-B Pavia st.Tondo, Maynila.

Ayon sa biktima, bumaba lamang siya ng ka­niyang inuupahang silid dakong ala-6:30 ng uma­ga, upang magtungo sa comfort room nang  makitang papaakyat sa loob ng bahay niya ang suspect at nadatnan niya sa kuwarto.

Sa pagkabigla, napasigaw ang biktima ng “Magnanakaw... magnanakaw”, kaya napukaw ang atensiyon ng mga kapitbahay.

Sa pag-aresto sa suspect, idinahilan niya na nagkamali lamang siya ng pasok ng bahay na kaniyang pupuntahan.

Show comments