Lim namahagi ng lupa
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng Christmas season, personal na namahagi ng lupa si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa may 75 pamilya na walang sariling lupa na pagtatayuan ng kanilang bahay.
Ginawad ni Lim ang Certificates of Lot Award sa 47 benepisaryo mula sa District II(Tondo); dalawa sa District IV(Sampaloc); dalawa sa District V(Paco) at 24 mula sa District VI (Pandacan) sa isinagawang seremonya sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall
Ito na ang ika-10 beses na namahagi si Lim ng lupa sa mga kuwalipikadong residente ng Maynila bilang bahagi ng Land-for-the-Landless Program ng city government.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1,366 homelots ang naipamagi sa mga Manilenyo.
Nabatid na nagpapagawa na rin si Lim ng low cost housing para sa mga mahihirap gayundin sa mga low-income employee ng lungsod.
Ang Medium-Rise residential condominium project ay matatagpuan sa Anakbayan sa San Andres, Maynila na inaasahang pasisinayaan sa susunod na taon.
- Latest
- Trending