^

Metro

Sagabal sa waterways, wawalisin sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binalaan ni  Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga may-ari ng mga pribadong tahanan at pabrika na papatawan ang mga ito ng parusa oras na makitang nakakaapekto sila sa lagusan ng tubig sa lungsod.

Kasabay nito, inatasan ni Bautista ang city building official na pasimulan na ang pagbibigay ng abiso sa mga may-ari ng mga illegal structures upang sila ay makagawa ng kaukulang paghahanda na maalis ito at maisaayos. 

Binigyan ni Bautista ang mga  may-ari ng factory ng anim na buwan upang isaayos ang mga istraktura.

Sinasabing may mga pabrika na nakakasagabal sa waterways sa kahabaan ng  Bgy. Balumbato hanggang sa  Nagkaisang Nayon na isang  industrial part ng 2nd district ng QC.

“We have to show these people that we are in control.  We have to make sure that all parameters of the law are enforced without fear or favor,” ayon kay  Bautista.

Sa kasalukuyan, ang QC ay katulong ng  Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglilinis sa mga waterways sa QC.

BALUMBATO

BAUTISTA

BGY

BINALAAN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGKAISANG NAYON

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with