Karnaper todas sa parak

MANILA, Philippines - Patay ang isang car­napper matapos na manlaban sa isang pulis na umaresto sa kanya kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Si Marjun Pinon, 31, ng #1615 Imelda St. Tondo, Maynila ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital dakong alas-6 ng hapon kamakalawa.

Batay sa imbestigas­yon, nakatanggap ng report sa kinaroroonan ng sinasabing responsable sa pagkarnap ng motorsiklo ang pulisya.

Agad tinungo ng District Special Project Unit ng Manila­ Police District ang San Sebastian St. at naabutang naglalaro ng cara y cruz ang suspect.

Nakita ng mga naglalaro ng cara y cruz ang mga pulis kung kaya’t agad na nagpulasan hanggang sa magkahabulan.

Nakorner umano ni PO1 Roestrell Ocampo ang suspect  na sa halip na sumuko ay bumunot umano ng baril subalit naunahan siyang putukan ni Ocampo nang hindi umano pumutok ang baril ng suspect.

Narekober mula sa suspect ang kalibre .22 na baril.

Una nang naghain ng reklamo sa DSPU si PO2 Ralf Laurence Soriano, nakatalaga sa Northern Police District, hinggil sa pagkawala ng Yamaha Mio  Sporty na kulay pula (2560-NU) noong Dis­yembre 15, 2010.

Show comments