^

Metro

Helper kinatay ng 7 lasing

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinagtulungang katayin at hiwain pa ang mukha at dibdib ng isang 27-anyos na helper ng pitong la­sing kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Jhonston Hospital ang  biktimang si Erwin Acedillo, 27, alyas “Jumong”, ng Lacson corner Pacheco Sts., Tondo, Manila.

Ayon kay P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, kaagad nagpulasan ang pitong suspect nang makitang duguan na bumagsak ang biktima.

 Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa Raxabago St. Tondo, Maynila. Naglalakad umano ang biktima at iba pang kasamahan sa trabaho para bumili ng sigarilyo nang madaanan ang grupo ng mga suspect na nag-iinuman sa daan.

Nagbasag ng bote ang isa sa mga suspect at hinabol ang grupo ng biktima kung saan nakorner si Acedillo at doon pinagsasaksak at saka hiniwa ng basag na bote ang mukha at dibdib. 

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspect at motibo sa krimen.  

vuukle comment

ACEDILLO

ARMANDO MACARAEG

AYON

ERWIN ACEDILLO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JHONSTON HOSPITAL

MAYNILA

PACHECO STS

RAXABAGO ST. TONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with