^

Metro

Barangay sa paligid ng gas leak, mahigpit na babantayan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mahigpit na pagbabantay ngayon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Makati police, Makati City Hall at mga barangay tanod sa tatlong barangay na nakapalibot sa sentro­ ng gas leak sa West Tower Condominium ma­karaang ideklara na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagpaputok sa naturang lugar upang makaiwas sa posibleng trahedya.

Ito’y makaraang mag­pasa ng ordinansa ang Makati City Council noong nakaraang linggo na mahigpit na nagbabawal sa pagtitinda, paglikha, pag-imbak, po­sesyon o paggamit ng anumang uri ng paputok sa mga Brgy. Pio del Pilar, Magallanes at Bangkal.

May nakalaang multang P5,000 o anim na buwang pagkakulong sa sinumang lalabag sa naturang ordinansa.

 Nagtatag naman ang lokal na pamahalaan ng Makati City ng 24-oras na “monitoring teams” at mga equipment sa bisinidad ng West Tower Condominium.  Nasa 24-oras na rin ang isinasagawang patrulya ng mga tauhan ng Makati Rescue Team sa naturang mga barangay.

Mahigpit na pinagba­bawalan ang mga residente sa naturang lugar na mag­­paputok kahit ng pinakamaliit na paputok at pagsisindi ng anumang uri ng pailaw.

vuukle comment

BANGKAL

BRGY

MAHIGPIT

MAKATI CITY

MAKATI CITY COUNCIL

MAKATI CITY HALL

MAKATI RESCUE TEAM

SHY

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with