^

Metro

Seguridad ng publiko tiniyak

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Tiniyak ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang seguridad ng publiko ngayong kapaskuhan laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na gustong makapanlamang sa kanilang kapwa.

Inatasan na rin ni Echiverri ang lokal na pulisya na lalo pang paigtingin ang kampanya nito laban sa mga gumagalang kriminal partikular na ang mga holdaper at snatcher na nakakalat ngayon sa matataong lugar.

Nag-iikot din ngayon ang mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) at ang mga barangay tanod upang lalo pang matiyak na walang magiging biktima ang mga holdaper at snatcher sa nasabing lungsod.

Abala na rin ngayon ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactic (SWAT) ng Caloocan City Police sa pag-ikot sa mga pamilihan, bus terminal at iba pang matataong lugar upang matiyak na walang terorista ang makapaghahasik ng kaguluhan sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Maging ang mga bangko at mga kinalalagyan ng ATM (automated teller machine) ay bantay sarado din sa mga awtoridad dahil marami sa mga holdaper ang nag-aabang ngayon ng mga mabibiktimang nagwi-withdraw ng perang kanilang gagamitin sa pagdiriwang ng Pasko.

ABALA

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN CITY POLICE

ECHIVERRI

INATASAN

PASKO

RECOM

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

SPECIAL WEAPONS AND TACTIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with