^

Metro

Rider na-sandwich ng bus at SUV, lasog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na motorcycle rider matapos na maipit ang sinasakyan nitong motorsiklo sa pagitan ng isang shuttle bus at isang sports utility vehicle (SUV), kahapon ng umaga sa Roxas Boulevard, Parañaque City.

Naisugod pa sa San Juan de Dios Hospital si Ariel Ba­­bayin, isang contractor, ng Republic Avenue, Area 1 Brgy. Holy Spirit, Quezon City subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas sanhi ng pagkabasag ng kanyang bungo.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng San Agustin shuttle bus (PXX-743) na si Israel Arellano, 41, ng Wawa 2, Rosario, Cavite at ang driver ng SUV (ZPM-812) na si Rene Aldo Toledo, 38, ng Kundiman St., Paltok, Del Monte, Quezon City makaraan ang insidente.

Sa ulat ng Parañaque Traf­fic Management Unit, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa panulukan ng Coastal Road at Roxas Blvd.

Nabatid na tinangka umanong lumusot ni Babayin sa pagitan ng dalawang mas malaking behikulo habang lulan ng kanyang Sym motor­cycle (6327-NR). Ngunit sumabit umano ang motor­siklo sa isa sa sasakyan hang­gang sa mawalan ng kontrol at tuluyang maipit.  Pumailalim pa ang biktima sa bus habang nagulungan ang kanyang motorsiklo.

Nagdulot naman ng mahigit tatlong oras na pag­ka­ka­buhul-buhol ng daloy ng trapiko sa naturang lan­sa­ngan ang insidente na naisa­ayos lamang nang maitabi na ang mga sangkot na sa­sakyan.

vuukle comment

ARIEL BA

COASTAL ROAD

DEL MONTE

DIOS HOSPITAL

HOLY SPIRIT

ISRAEL ARELLANO

KUNDIMAN ST.

MANAGEMENT UNIT

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with