^

Metro

Call center agent nilayasan ng ka-live-in nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang call center agent ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili makaraang laya­san ng kanyang   live-in partner matapos ang mainitang pagtatalo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si  Ron Ian Merza, ng Maganda St. Sampaloc, Manila.

Sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang madiskubre ni Maricel Tableina, live-in partner ng nasawi ang nakabiting bangkay ng karelasyon.

Nabatid na bago ang insidente nang pagpa­patiwakal, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa noong Sabado ng gabi, kung saan umalis si Tableina at hindi na umuwi sa kanilang bahay.

Subalit nagpasiya ring bumalik ito, kamakalawa ng gabi gayunman huli na ang lahat nang matagpuang patay na ang biktima.

DANILO VIDAD

ISANG

KINILALA

MAGANDA ST. SAMPALOC

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARICEL TABLEINA

MAYNILA

NABATID

RON IAN MERZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with