Lacuna, et al wagi sa Liga

MANILA, Philippines - Matapos na matalo sa  pagka-alkalde, muli na namang natalo sa pagkapangulo ng  Liga ng mga Barangay  ang anak ni dating  Manila Mayor  Lito Atienza na  si  Ali Atienza.

Idineklarang  landslide ang pagkapanalo  ng grupo  nina Philip Lacuna, bilang pangulo at Arnel Angeles bilang bise presidente  ng Liga.

Dahil dito, awtomati­kong mauupong  muli  sa kon­­­seho ng Maynila si Lacuna kasama ang mga kapatid na sina  Honey  Lacuna-Pangan at  Dennis Lacuna.

Naging mapayapa naman ang eleksiyon kamakailan   kung saan nagconcede  si Ali dakong ala-1 ng madaling­- araw sa botong 536 na nakuha ni Philip mula sa mahigit 800 chairman.

Bukod kina Lacuna at Angeles, nanalo din  sina  Gina Ragasa, auditor habang  director naman sina Joel Par, Jay Sagmit, Richard Quilang, Caloy Castañeda, Terence Alibarbar, Bong Fajardo, May Santos at  Erika Platon.

Samantala, nanalo din bilang pangulo ng Sangguni­ang Kabataan (SK) Federation si Eunice Castro, anak ni Bgy. Chairman Guia Castro laban kay Ching Ibay.

Show comments