Lacuna, et al wagi sa Liga
MANILA, Philippines - Matapos na matalo sa pagka-alkalde, muli na namang natalo sa pagkapangulo ng Liga ng mga Barangay ang anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na si Ali Atienza.
Idineklarang landslide ang pagkapanalo ng grupo nina Philip Lacuna, bilang pangulo at Arnel Angeles bilang bise presidente ng Liga.
Dahil dito, awtomatikong mauupong muli sa konseho ng Maynila si Lacuna kasama ang mga kapatid na sina Honey Lacuna-Pangan at Dennis Lacuna.
Naging mapayapa naman ang eleksiyon kamakailan kung saan nagconcede si Ali dakong ala-1 ng madaling- araw sa botong 536 na nakuha ni Philip mula sa mahigit 800 chairman.
Bukod kina Lacuna at Angeles, nanalo din sina Gina Ragasa, auditor habang director naman sina Joel Par, Jay Sagmit, Richard Quilang, Caloy Castañeda, Terence Alibarbar, Bong Fajardo, May Santos at Erika Platon.
Samantala, nanalo din bilang pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation si Eunice Castro, anak ni Bgy. Chairman Guia Castro laban kay Ching Ibay.
- Latest
- Trending