^

Metro

Akyat-bahay na karnaper, umatake

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Natangayan ng hindi pa mabatid na halaga ng salapi at isang kotse ng isang residente matapos pasukin ng tinatayang tatlong magnanakaw ang inuupahan niyang apartment kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Ayon sa ulat ng Police Station 10 ng Quezon City Police, pasado alas-5 ng madaling araw nang malaman ng biktimang si Philip Magtulis na pinasok sila ng magnanakaw makaraang matuklasang nagkalat ang kanilang mga gamit at nawawala na rin ang kanyang sasakyang Toyota Vios (XLW-502).

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nagawang mapasok ng mga suspect ang bahay ng biktima sa #163 Mother Ig­nacia St, Brgy. South Triangle sa pamamagitan ng pagsira sa double lock ng pinto sa loob ng bahay.

Bago nito, dinistrungka ng mga suspect ang screen ng bintana na malapit sa pintuan bago dinukot ang double lock sa loob at nabuksan. Mula rito ay sinimulan ng mga suspect ang paglimas sa mga gamit sa sala, habang nasa kasarapan ng tulog ang pamilya ni Magtulis na nasa ikalawang palapag.

Sinabi ni Magtulis, posibleng alas -3 ng madaling araw ginawa ng mga suspect ang pagnanakaw at nasa kasarapan sila ng pagtulog dahil hindi man lamang nila narinig ang tunog ng kanyang kotse ng paandarin at itakas ng mga suspect.

vuukle comment

AYON

BRGY

MAGTULIS

MOTHER IG

PHILIP MAGTULIS

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

SOUTH TRIANGLE

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with