7 bading timbog sa cyber sex
MANILA, Philippines - Arestado ang pitong bading nang mahuli sa aktong nakikipag-chat sa internet at umaaktong mga babae sa isang cyber sex den sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ipinagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Perpect na sina Rolando Parado, 34; Bernard Sy, 25, Orly Cadawan, 27; Michael Lopez, 30; Boner Hamor, 27; Robert Hamor, 22 at Bryan Gumban, 22.
Sa ulat ni Manila Police District-Station 2, chief, P/Supt. Ernesto Tendero, dakong alas-5:00 ng madaling araw kahapon nang pasukin ang bahay ni Hamor sa Moriones.
Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng impormasyon ang nasabing presinto hinggil sa ‘cybersex den’ sa kanilang hurisdiksiyon kaya isinagawa ang surveillance at nang matiyak ay saka isinagawa ang raid kung saan naaktuhan pang nakikipag-chat sa internet na may web cam ang mga suspect.
Nakapiit na ang mga suspect at ipinagharap ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.
- Latest
- Trending