^

Metro

Ospital nadamay sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nadamay sa pagkatupok ang gusaling ekstensyon ng South Super Highway Medical Center makaraang masunog ang dalawang bahay sa likuran nito, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Sugatan naman ang photojournalist ng Manila Bulletin na si Ali Vicoy makaraang malaglag sa hagdan at maipit pa sa makapal na usok nang pumasok sa loob ng nasusunog na pagamutan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-6 ng umaga nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ni Reynaldo­ Dizon sa 7614 Chestnut street, Brgy. Marcelo Green, ng naturang­ lungsod na nasa likod lamang ng naturang paga­mutan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay nito at nadamay ang ekstensyong gusali ng pagamutan.  Mabilis namang inilikas ng mga tauhan ng pagamutan ang nasa higit 20 pasyente na nasa loob ng gusali.

Tinataya namang aabot sa mahigit P15 milyong ha­laga ng ari-arian ang natupok sa naturang sunog na idi­neklarang fire out dakong alas-12:30 na ng tanghali.

ALI VICOY

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DIZON

MABILIS

MANILA BULLETIN

MARCELO GREEN

NADAMAY

REYNALDO

SOUTH SUPER HIGHWAY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with