P470-M damage suit vs PNP
MANILA, Philippines - Nagsampa ng P470 milyon damage suit sa QC prosecutors Office ang isang Allan Almoite laban sa PNP at 5 iba pa dahil sa pag- aresto sa kanya ng mga ito makaraang paghinalaang miyembro ng teroristang Abu Sayaff noong 2006 sa Valenzuela City.
Ang danyos para dito ay batay sa Republic Act 9372 o ang “Human Security Act of 2007” na sinampa ni Atty. Felisberto Verano Jr., abogado ni Almoite.
Ani Almoite, entitled siya na makakuha ng danyos para sa 2007 Human Security Act dahil sa pagkakamali ng mga awtoridad na siya ay hulihin at ikulong ng walang kasalanan.
Ang mga kinasuhan ay sina Supt. Roger James Brilliantes, Insp. Arnulfo Franco, Insp. Dante Yang, PO2 Reynaldo Yap, PO3 Peter Paul Pablico at PO3 Noel Fabia ng PNP.
Nadismis ng korte ang kaso ni Almoite noong 2008 matapos na ibilanggo ng may 3 taon.
Bukod sa P470 milyong danyos, humihingi pa si Almoite ng dagdag na P1 milyon bilang moral damages, P1 milyon bilang exemplary damages, P10 million bilang attorneys’ fees hindi kasama ang P10,000 appearance fees kada hearing
Si Almoite ay pinaghinalaan ng mga pulis na miyembro ng Abu Sayyaf na may pangalang alias “Ali.”
- Latest
- Trending