Jobless na mister nagbigti
MANILA, Philippines - Sanhi nang kawalan ng trabaho, isang mister ang nagpatiwakal sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Eduardo Macion, 52, nakatira sa Basilio St. , Brgy. Acacia ng nabanggit na lungsod.
Dakong alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabigti ng nylon cord ang biktima ng kanyang asawang si Linda. Dali-daling humingi ng tulong ang ginang sa kanyang mga kapitbahay hinggil sa insidente at mabilis itong ini-report sa mga alagad ng batas. Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, laging dumadaing ang biktima dahil wala itong trabaho at posible aniya na isa ito sa dahilan nang pagpapatiwakal. Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
- Latest
- Trending