^

Metro

Mister dedo sa pamamaril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na mister ang kumpirmadong na­paslang makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang kalalakihan sa Quezon City kahapon.

Patay ang biktimang si Eddie Barbaron ng #19 Green Village Subdivision, Barangay Tandang Sora sa nabanggit na lungsod.

Arestado naman ang mga suspek na sina Jomaro Lata, 34; at Ricky Estro, 41, kapwa nakatira sa #26 Narra St., Violago Homes, Barangay Pasong Tamo.

Sa ulat ni PO2 Loreto Tigno, may-hawak ng kaso, naganap ang pamamaril sa may harap ng Alley 2 Resto Bar sa Visayas at Congressional Avenues ganap na 1:30 ng madaling-araw. 

Ayon sa mga testigong sina Deo Rebamba at Romel Estanislao, nag­ku­ku­wentuhan sila sa na­turang lugar nang makarinig nang komosyon at namataan si Lata na may hawak na baril at hinahabol ang biktima.

Agad na humingi ng tulong ang dalawa sa nagpapatrulyang Barangay Police Service Officers (BPSO) na sina Oliver Molina at Eduardo Manese para tulungan ang biktima.

Ngunit binaril na sa ulo ni Lata ang biktima at saka tumakas kaya hinabol ng mga BPSO personnel.

Tiyempo namang na­rinig ng mga off-duty na pulis na sina PO3 Charles Jallores at PO2 Ronnie Camba ang putok ng baril kung saan nakita nila ang mga suspek na pumupuga sa madilim na bahagi ng kalye.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis hanggang sa magkulong ang suspek sa bahay ni Estro kung saan nagkaroon ng negosasyon at makalipas ang ilang oras ay kusang sumuko ang suspek kasabay ng pagdakip kay Estro.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa CIDU sa Camp Karingal habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

BARANGAY PASONG TAMO

BARANGAY POLICE SERVICE OFFICERS

BARANGAY TANDANG SORA

CAMP KARINGAL

CHARLES JALLORES

CONGRESSIONAL AVENUES

DEO REBAMBA

EDDIE BARBARON

EDUARDO MANESE

ESTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with