MANILA, Philippines - Nilahukan ng libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang clean-up project sa Manila Bay ng pamahalaang lungsod ng Maynila at Philippine Coast Guard (PCG).
Layon ng clean-up project na linisin ang Manila Bay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong araw ng International Volunteers’ Day ng United Nations (UN).
Sa pahayag ni UN Secretary General Ban Ki Moon na binasa ng kaniyang representative na si Dr. Jacqueline Badcock, pinasalamatan niya ang nasa 6,000 estudyante na lumahok sa proyekto at ang milyun-milyong iba pa sa iba’t ibang panig ng mundo na nakikiisa sa kampanya ng UN para sa mas malinis na kalikasan.
Regular naman ang ginagawang paglilinis ng Manila Bay upang mas magandang pasyalan ng publiko kung saan kailangang maibalik ang dating sigla nito.
Umaasa naman si Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman na marami pang grupo ang lalahok sa mga susunod na araw upang mas mapadali ang paglilinis ng Manila Bay.