^

Metro

Clean-up drive sa Manila Bay nilahukan ng libong estudyante

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nilahukan ng libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang clean-up project sa Manila Bay ng pamahalaang lungsod ng Maynila at Philippine Coast Guard (PCG).

Layon ng clean-up project na linisin ang Manila Bay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong araw ng International Vo­lunteers’ Day ng United Nations (UN).

Sa pahayag ni UN Secretary General Ban Ki Moon na binasa ng kaniyang representative na si Dr. Jacqueline Badcock, pinasalamatan niya ang nasa 6,000 estudyante na lumahok sa proyekto at ang milyun-milyong iba pa sa iba’t ibang panig ng mundo na nakikiisa sa kampanya ng UN para sa mas malinis na kalikasan.

Regular naman ang ginagawang paglilinis ng Manila Bay upang mas magandang pasyalan ng publiko kung saan kaila­ngang maibalik ang dating sigla nito.

Umaasa naman si Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman na marami pang grupo ang lalahok sa mga susunod na araw upang mas mapadali ang paglilinis ng Manila Bay.

vuukle comment

DR. JACQUELINE BADCOCK

GUZMAN

INTERNATIONAL VO

LAYON

MANILA BAY

MEDIA INFORMATION BUREAU

METRO MANILA

PHILIPPINE COAST GUARD

SECRETARY GENERAL BAN KI MOON

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with